Paano nga ba natin maisusulong ang breast-feeding? Habang tumatagal ay dumadami na ang bilang ng sangol na naisisilang, sa hirap ng buhay ay iniisip natin ang kapakanan ng mga sanggol kung paano natin mapangalagaan at maiiwasan ang magkasakit. Marami akong nakikitang Ina na bumibili ng gatas o powdered milk, marami rin akong nakikitang Ina na nagproproblema ng ipapambili ng gatas. Ngunit bakit kailangan pa nating kailangang isipin ito. nandiyan naman ang gatas ng Ina o breastmilk. Ang breastmilk ng Ina na di na kailangang bilhin, nakakasiguro pang sanggol ay ligtas at malusog. Gatas ng Ina ang talagang kailangan ng sanggol, nakapagpapabilis ito sa pagbili ng sanggol at nakakaiwas pa ito ng sakit. Hindi tulad ng gatas ng baka o powdered milk na nakakaapekto sa paglaki ng sanggol at ang kanyang kalusugan. Ang gatas ng baka ay para sa baka at hindi para sa sanggol. Oh saan pa kayo? sa powderedmilk na nabibili o breastmilk ni Nanay na nakatipid na at siguradong ligtas pa ang sanggol. kung ako sa inyo breastmilk na.
Martes, Hulyo 26, 2011
ISULONG ANG BREAST-FEEDING TAMA, SAPAT AT EKSLUSIBO
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)